Tuwang-tuwa ako kapag naaalala ko ang Gabay Room. Parang bumabalik ako sa kung saan lahat ng problema mo nawawala.
Ewan ko ba, sa twing pupunta ako sa GR (Gabay Room) nalilibang ako. Minsan pa nga, nakakalimutan ko na may klase na pala ako! Ang daming pwedeng gawin, pedeng magkantahan, magsayawan, magkwentuhan, magtismisan, maghulaan at higit sa lahat, pwedeng tumulog (ala eh!) sa GR. Minsan, mas mahaba pa ang panahahong inilagi ko sa GR kaysa sa mga klase ko sa buong taon. "At home na at home" ako dito! Twing nasa GR ako, para akong nasa bahay namin na kasama ko ang mga kapatid ko.
Maliit laman ang GR, pero "super-maximized" ang espayo nito. Ang daming gamit, may mga upuan, mga cabinet at drawers na puno ng kung anu-ano tulad ng libro, notebook, bag, logbook, songbook, gitara, banig, elctric fan, computer, printer, asin, suka at oo pati patis iniimbak sa GR! Kulang na lang siguro na lagyan ng "retractable" (tama ba spelling ko?) na kama sa gitna.
Haaaaay! Nakaka-miss ang GR, sana maka-balik ako dito bago ito gibain ng tuluyan!
No comments:
Post a Comment