Monday, October 10, 2011

Skyflakes at Milo

Kay tagal ko na palang hindi nakakapag sulat dito sa aking blog. Akala ko nung Pebrero ay maipapatuloy ko na ang aking pagsusulat. Pero sabi nga nila, huli man daw at magaling, eh huli pa din.

Napakaraming bagay ang napapag desisyuna, nalilikha o maisasaayos sa pamamagitan ng isang tasang Milo at isang pakete ng Skyflakes. Sa amin kasi nuon, isang tasang Milo lang, mahabang usapan na ang nararating. Sa mga panahon kasi ngayon mas gusto ng mga tao ang mag Starbucks kaysa magmuni muni kasabay ng simpleng kasiyahang idinudulot ng mainit na tsokolate at biskwit.

Napakahilig na natin sa kung anu anong mga bagay na bago o uso kahit medyo may kamahalan ito. Gusto natin makisabay sa uso dahil nahihirapan tayo dahil ayaw nating maiwanan ng byahe. Sabi nga, matitis mo ba na sila ay merong bagong cellphone at ikaw ay wala. Ito nga ang tinatawag na Social Pressure. Sabi nga nung isang nagsalita sa amin tungkol sa pamumuhunan, napaka hirap daw para sa mga nagsisimulang mamuhunan ang tisin ang Social Pressure dahil natural daw sa atin na makihalubilo sa mga tao. At dahil dito, hindi minsan maiwasan na ikumpara natin ang ating sarili sa iba. Partikular na ang kung ano ang meron sila na wala sa atin.

Naalala ko tuloy itong kwento ng isa kong kakilala. Mayroon daw silang pagtatalo ng kanyan kabiyak tungkol sa kung anong modelo ng iPhone ang bibilhin. Pareho kasi sila ng trabaho at lahat daw sa kanilang opisina ay naka iPhone na. Halos buong araw daw silang nagtatalo kung ano ang bibilhin. Maghapon din silang nasa harap ng computer at nagbabasa ng mga blogs tungkol sa kung anong modelo ang mas maganda. Sa kanilang pagtatalo biglang nagsalita ang kanilang limang taong gulang na anak. Ang sabi ng bata "Away kayo ng away, wag na tayong bili". Nabigla ang mag asawa sa sinabi ng bata at natauhan sila. Pinagpaliban muna nila ang pag bili ng nasabing iPhone at tamang tama naman dahil kinailangan nila ang pera makalipas ng isang lingo.

Napaka hirap ngang labanan ang social pressure. Lalu na kung malabo para sa sa iyo ng pagkakaiba ng kung ano ang iyong kailangn at kung ano ang inyong gusto. Pero ika nga ng isa kong kaibigan na itago ng lang natin sa pangalang Ka Bert "Kung hindi mo kailangn, bakit mo bibilhin?" Kaya ako Samsung Galaxy S II ang bibilhin ko! (joke)

Maraming salamat nga pala sa aking asawa na nagbigay sa akin ng Milo. Ayan tuloy meron akong naikwento.

1 comment:

Albert said...

Mas masaya lagi ang payak na pamumuhay :)