Monday, February 20, 2006

Pagmumuni-muni

Tama bang itanong sa isang tao na "P're ano ang konsepto mo ng pag-ibig?"

Sa aking pagkakaalam, ang pag-ibig kasi ay hindi isang konsepto. Sa makatuwid, paano mo maisasakonsepto ang pag-ibig kung hindi ito isang konsepto?

Nagtatanong lamang po.

2 comments:

Anonymous said...

(hehe di nakatiis)

maisasakonsepto ang pag-ibig; yun lang di na sya pag-ibig nun. konsepto nalang. pero kung 'buhay' ang pagsasakonsepto (naka-ugat sa meron, sa 'totoong pag-ibig'), maituturing na ring 'buhay' yung konsepto.

Albert said...

hahahha!! ako rin, di nakatiis!

bagama't hindi konsepto ang pag-ibig, kailangan mo ng konsepto para makatulong na maunawaan mo kung ano ba talaga ang pag-ibig...

parang salaming gagamitin mo yung konsepto para makita ng malinaw yung buwan, bagama't di nangangahulugang ang imaheng nakikita mo mula sa salamin ay ang kabuoan ng buwan.